Pagbabalik

Totoo yata ang nabasa ko na “kung gusto mong magsulat nang magsulat, magbasa ka nang magbasa.”  Nung nakaraang linggo lang ako nagsimulang magbasa ulit ng libro. Biglaan lang, halos di ko na napag-isipan. Basta kinuha ko na lang yung Norwegian Wood ni Haruki Murakami noong nasa bookstore ako. Napag-interesan ko ito dahil paborito siyang libro ng dalawa sa mga miyembro ng paborito kong banda. Hindi siya gaya ng mga nakasanayan kong YA books na binabasa ko noon. Mero maganda siya at madali kong naiimagine ang mga kinukwento niya. Isang araw, namalayan ko na lang na nagsusulat na pala ulit ako. Meron na ulit mga karakter na nag-uusap sa isip ko. Halos isang taon na ata nakalipas simula nung huli akong nagsulat. Wala namang espesyal. Pangkaraniwan lang ang kwento. Pero ito yung kwento na natural lang na may diyalogo ang mga karakter sa isip ko, hindi ko na kailangang pag-isipan nang maigi. Masaya ako. Ang tagal kong hinintay na makapagsulat ulit ng kwento. At ito yata ang unang kwento kong kilala ko ang bawat karakter. Alam ko ang personalidad nila. Dati kasi ay hirap ako sa aspetong ito. Pero ngayon ay masaya talaga ako sa sinisimulan kong kwento kasi simple lamang ito. Sana ay matapos ko ito, tutal ay alam ko na rin ang wakas (na dati’y hindi ko naman pinag-iisipan tuwing may sisimulan akong kwento).  Pakiramdam ko ay bumabalik ang sarili ko noong hayskul–yung masaya lang na nagsusulat ng kwento, di bale na kung pangkaraniwan, ang importante ay may naikukwento. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s