Priorities

I took a nap for about maybe two hours. I woke up, still vividly remembering a quite unusual dream. Well, it’s not really that unusual but it seems that that certain dream is trying to tell me a message. If I remember everything right, it goes something like this: I was carrying a big red bag which I would lose somewhere after a while. Still not noticing what I lost, I went straight to the airport (and since it was in the context of my dream, the place looks a little strange). It was when I got there that I realized that the bag was missing. I was starting to panic. Then I heard an announcement from the speakers saying that it’s already boarding time. I was torn whether I would just forget about the thing I lost or go looking for it. I chose the latter even though I knew that I would miss the flight. I found the bag back but when I returned to the airport, the plane is already going up the sky. I missed the flight. End of dream.

I know I shouldn’t be overthinking again but I can’t help it. Was that dream trying to tell me something? I think it’s about setting my priorities. Currently I am torn between two things and it’s seems that I should only choose one. It’s actually about the two organizations I am interested in. The first one is TOMCAT and the other is Thomasian Writer’s Guild. I’m not really expecting that I’ll pass the TOMCAT interview but still, I wouldn’t ignore the possibility of passing. The thing is, the deadline for submission of requirements for TWG is on October. 1, Saturday and the last day of interviews for TOMCAT is today, October 29, Thursday. I don’t know when the results for TOMCAT will be posted. I’m hoping to know the results early. If I pass TOMCAT, I will not push through my application in TWG. But if I don’t make the cut then I’ll do otherwise (even though I’m also unsure if I’ll pass the latter). Now I’m undecided whether I should continue the story I’m planning to submit for TWG or not. But my dream seems to tell me that if I keep focusing on TOMCAT, I might miss my chance in TWG. Not that I’m confident that I’ll surely pass one of them. It’s just that I don’t want to miss the chance. I wanted to take the risk. I don’t want to regret anything.

As Maine Mendoza said,

“In the end, you’ll regret the things you didn’t do

more than the things that you did.”

Remember, they are irrelevant.

Here you are again, thinking over some petty things and then getting sad about it. Get out of your personal twitter account. It’s toxic. You know you’re weak in handling negativity. You are not the sun; the world doesn’t revolve around you. Not every one really cares about your existence. Stop thinking that everyone hates you. Stop thinking that every single negative post/tweet is about you! You are worth more than what you think. You are important, especially to those few people who truly care about you. You don’t need to over-think every single thing or over-analyze every single move. What good does that bring you? It doesn’t even give you satisfaction after thinking over it for hours and hours. You’re just making your life seem miserable when it’s not as bad as what you make it seem. It’s all in your head, honey. Fight those demons inside you. Don’t let them ruin what was supposed to be a great day. Don’t get affected with everything. Mind your own little bubble. Listen to your favorite music, read those fan fictions you’ve been wanting to read, practice digital drawing, write down your feelings, create stories. Focus on the things that will keep your head off all those negativity. You deserve to relax. Enjoy your time. Own it. Be productive instead of indulging in all those nonesense. Getting sad about those things that you shouldn’t even think about in the first place is a huge waste of time. If some (or a lot) of people really hate you, let them. Keep in mind that it’s inevitable; it’s normal. They are irrelevant in your life. As long as you have a few who accept your flaws and understand your shortcomings then you’re okay. And remember, you have you. What’s important is that at the end of the day, you still love yourself. Don’t you ever let people think that you deserve to hate yourself too.

 

I love you, Shynne.

When you’re doubting yourself /again/

Deep in your heart you know you do love yourself. But maybe you don’t love yourself enough. Do you trust you? I bet you wanted to say yes but you’re hesitant. You’re not sure, are you? Of all people, you should be the first person to trust yourself because if others don’t, at least you have someone. And that is youWhat if you can actually do the things you think you can’t? What if you’re actually good at the things you’re afraid to do? Why are stopping yourself from exploring? Why are you stopping yourself from learning? So what if in the process you prove yourself that you really can’t? You learned. You gained experience. And that’s okay. It’s actually a good thing because you recognized a weakness. I promise it wouldn’t be a loss on your part. Just please set yourself free from your own box of standards that are too high. You put yourself inside a cage where its keys are just in your hands. It’s too cliche, but yes, step out of your comfort zone. Stop being the first person to doubt you and your own capabilities. Stop doubting and start doing. Take risks and accept challenges. Enjoy your youth. Try the things you think you can’t or make yourself believe that you can’t but really wanted to do so. Don’t prevent yourself from discovering your true strengths and weaknesses. Be there for you when others are not.

I trust you. I know you can.

Always remind yourself that.

 

I love you, Shynne.

 

Mga Panaginip

Nitong nakaraang linggo nasa mga panaginip kita. Ewan ko. Basta nandun ka lang parati. Para kang isang talent na masugid na umeextra sa bawat pelikula. Pinapatos lahat ng raket kung saan pwede kang um-extra. Para bang naghihintay na makakuha ng big role. Yun nga lang, extra ka pa rin talaga. Wala e. Wala ka naman talaga ginagawa sa panaginip ko. Kasi sa mga panaginip kong yun, nasa ibang tao ang buong atensyon ko. Hindi nakasentro sayo ang mga panaginip ko. Pero nakikita kita. Napapalingon ako sayo. Nagkakatinginan tayo. Pero hanggang dun lang. Yun na yun. Hindi naman talaga ako madalas managinip. Kaya nga nagkakapagtaka kung bakit napadalas akong managinip nitong nakaraang lingo e. Kaso ayun na nga, biglang huminto na naman ang mga panaginip ko. Pero ang hiwaga kung bakit nang napadalas akong managinip ay nandoon ka – nandun pa rin; iniisip ko pa rin.

 

Pahimakas

 Iwasan mo muna si Ben.

Iba na ang panahon ngayon, mahal.

Baka madamay ka lang.

Delikado ang buhay mo kung patuloy kang lalapit sa kanya.

Araw-araw na yatang naririnig ni Diego ang mga salitang ito mula sa kanyang asawa. Pilit kasing pinalalayo ni Chona ang kanyang asawa mula sa kaibigang si Ben dahil sa pagiging drug pusher nito. Ngunit kahit anong pagmamakaawa ni Chona ay di pa rin nilalayuan ni Diego si Ben sapagkat naniniwala ito na kaya pa rin niyang makumbinsi ang kaibigan na tumigil na sa ilegal na trabahong iyon. Mahalaga kay Diego si Ben. Sabay na silang lumaki at nagkamalay. Isa si Ben sa pinakamahahalagang tao sa kanyang buhay. Hindi niya pwedeng iwanan na lang nang basta-basta ang kaibigan. Kaya naman kahit maging siya ay binibigyan na ng mapanghusga at mapagbintang na tingin ng mga tao sa kanilang lugar. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang ginagawang paglapit niya kay Ben.

“Ano ba, Diego? Wala ka na ba talagang balak layuan yang si Ben? Paano kung isang araw may bumaril na lang sayo at sabitan ka ng cardboard gaya ng mga napapanood natin sa balita? Paano kung traydorin ka ni Ben? Paano kung idamay ka niya sa mga kagaguhang ginagawa nya?” Sa sobrang inis ni Chona sa kanyang asawa ay tinalikuran na lang niya ito at saka hinayaang tumulo ang kanina pang nagbabadyang mga luha.

Agad namang niyakap ni Diego ang asawa mula sa likod. “Pasensya na mahal. Wag ka na magtampo. Hindi ko gustong lumuluha ka dahil sakin.”

“Di na ako luluha kung lalayuan mo yang si Ben.”

“Chona naman, alam mong mahirap iyan.”

“Ah, ganun? E di tapos na ang usapang ito.”

“O sige, sige, ganito na lang… susubukan kong kumbinsihin si Ben sa huling pagkakataon. Kung di na niya talaga ako pakikinggan, tuluyan na kong lalayo. Pangako yan.”

 

Papa, sana po tigilan mo na yan.

Ben, kaya mo pa magbago.

Tigilan mo na yan para sa amin ng anak mo.

Paano kung isang araw kunin na lang nila ang buhay mo?

Paulit-ulit ang mga paalala ng mag-ina ni Ben sa kanya. Alam naman nya ang mga panganib na dulot ng pagtutulak ng ilegal na droga. Lalo na sa panahon ngayon. Oras na may makaalam na may kinalaman siya sa droga ay delikado na ang buhay niya. Ngunit ligtas pa naman siya. Sa ngayon. Wala pang makakapagpatunay na may kinalaman siya sa droga. Maliban na lamang siguro sa kaibigang si Diego. Ngunit maging si Diego ay isa sa mga paulit-ulit na nangungumbinsi sa kanya na tigilan na ang pagtutulak ng droga. Nung isang araw nga ay nagtalo pa sila dahil pinagbantaan siya ni Diego na siya na mismo ang magsusumbong sa mga pulis kung hindi niya pa rin titigilan ang trabahong iyon.

 

Maghahating gabi na nang niyaya ni Ben si Diego na makipagkita. Wala itong sinabing dahilan. Hindi na rin nag-isip pa si Diego. Basta ay pumunta na lang siya kung saan sila nagkasundong magkita. Nang dumating na si Diego ay may iniabot si Ben sa kanya na tila ba isang regalo. Kahon iyon na may balot na gift wrapper. “Para saan ang regalong ito?” Pagtataka ni Diego. “Kaarawan ng anak kong si Jenny bukas,” ani Ben, “gusto ko sanang ikaw na lang ang mag-abot sa kanya. Aalis muna ako at lalayo para ayusin ang sarili ko.”

“Aalis ka? Saan ka naman pupunta?”

“Basta. Sa malayo. Di ko na sasabihin kung saan. Di bale, babalik naman ako. Hindi ko nga lang alam kung kail—” Hindi na natapos ni Ben ang kanyang sasabihin. Agad ni Diego kinulong si Ben sa kanyang mga bisig saka mariin na hinalikan ito. Pangungulila. Pananabik. Muling pag-alab ng damdaming pilit kinalimutan sa mahabang panahon. Naramdaman iyon ni Ben sa mga halik ni Diego na kanya rin namang ginantihan. Doon sa likod ng puno ay sinunod nila ang pareho nilang ninanais; doon nagduwelo ang dalawang labing matagal na nanabik sa isa’t isa, doon sinulit ng dalawang pusong nangulila at mas lalo pang mangungulila sa isa’t isa ang huling oras na iyon. Ang kaninang nagbabaga pa lang ay unti-unti nang nagiging apoy, nakakapaso—mali, batid nilang dalawa—kaya sabay silang humiwalay sa isa’t isa.

Bang. Isang putok ng baril. Dumating na sila. Ayun na si Diego, napahandusay dahil sa tama ng bala. Bumaba ang lalake sa motor at binuksan ang hawak na regalo ni Diego. Droga. Sangkatutak na droga ang laman ng kahon. Regalo? Walang regalo. Patibong. Patibong ang meron. Trinaydor siya ni Ben.       

“Totoo ang sumbong sa akin, pusher ka nga. O ito,” Bang. Isa pang putok ng baril. Doon sa dibdib. Patay na si Diego. “Yan ang tama sayo.” Ani ng lalakeng namaril kay Diego. Hindi pa nakuntento’t kumuha pa ng cardboard mula sa bag at may sinulat. Pinatong niya iyon sa dibdib ng walang buhay na si Diego at umalis. Pusher ako, wag tularan. Iyon ang nakasulat.

Pinanood lang ni Ben mula sa likod ng puno ang mga nangyari. Si Ben. Si Ben ang may sala sa walang kamalay-malay na si Diego. “Mabuti pang mamatay ka na lang bago mo pa ako masumbong sa mga pulis,” ani Ben at lumakad papunta kay Diego. Pinagmasdan niya ang walang buhay na kaibigan na nakahandusay sa kanyang mga paanan. Maya-maya ay nagdesisyon na siyang tuluyang umalis bago pa magsilabasan ang mga tao. Ngunit bago pa man tuluyang tumalikod si Ben ay may humawak sa kanyang paa. Nanginginig siya habang dahan-dahan na nilingon si Diego na matalim ang tingin sa kanya.“Traydor ka, Ben. Traydor!” Pahigpit nang pahigpit ang hawak ni Diego sa kanyang paa hanggang sa narinig na niya ang pagbali ng kanyang buto.

Hinihingal at pawis na pawis na nagising si Ben mula sa kanyang panaginip… o bangungot. Laking pasasalamat niya na hindi totoo ang lahat. Hindi niya trinaydor si Diego. Buhay pa si Diego. Buhay pa ang kanyang kaibigan—kaibigan na dati niyang naging kasintahan noong sila’y mga binata pa. Tunay nilang minahal ang isa’t isa noon kahit palihim lamang. Ngunit sa di inaasahan ay nabuntis ni Ben si Sally. Doon natapos ang kanilang pagmamahalan. Sa tinagal ng panahon ay natutunan na ring mahalin ni Ben si Sally. Samantalang si Diego naman ay tumibok muli ang puso para sa isang babaeng ang ngalan ay Chona. Sa paglipas ng panahon ay naibalik ng dalawa ang pagkakaibigang naudlot dahil sa isang di inaasahang pagkakamali. Kaya naman ganoon na rin kaimportante kay Ben si Diego at kanilang pagkakaibigan. Hindi niya hahayaang masirang muli ang kanilang pagkakaibigan dahil lang sa patuloy na pagtutulak ng droga.

 

Nagising si Chona sa ingay na nanggagaling sa kusina. Paglabas niya ng kwarto ay naabutan niya ang asawang nagluluto ng masarap na ulam. “Gising ka na pala mahal. Upo ka na muna diyan. Matatapos na rin ‘tong niluluto ko.” Naupo na siya sa may lamesa habang hinihintay na matapos magluto ang asawa. Lumingon siya sa orasan. Di niya inaasahan na mag-a-ala una na pala. Masyado yata siyang tinanghali ng gising.

“Niluto ko nga pala ang paborito mong ulam,” ani Diego habang hinahanda ang mga plato at kubyertos sa lamesa. Sunod niyang nilagay ang ulam at kanin. Nang ayos na ang lahat ay naupo na rin siya. Ngiting-ngiti siya ngunit hindi pa rin siya gaanong iniimikan ng kanyang asawa. “Bakit ito pa ang niluto mo? Napagastos ka pa tuloy para sa isang tanghalian lang.” Hindi pa rin tinitignan ni Chona si Diego. “Ano, nagpapalakas ka na naman sakin? Nang-uuto para payagan kitang makipagkita diyan kay Ben?”

Napatigil sa pagkain si Diego at tinignan ang asawa. “Kasi naman mahal pagbigyan mo na ako. Ngayong araw na lang talaga. At pag wala na talagang pag-asang mabago ang isip niya, suko na ako. Di na ko lalapit sa kanya.”

Binitawan ni Chona ang mga kubyertos at inangat ang tingin sa asawa. “Mahal mo ba talaga ako, Diego? Pinakasalan mo ba ako kasi mahal mo ko o pinakasalan mo lang ako kasi napilitan ka lang? Kasi di na kayo pwede ni Ben dahil nabuntis niya si Sally noon?” Agad namang inabot ni Diego ang mga kamay ng asawa.

“Oo, minahal ko si Ben noon. Minahal niya rin ako. Pero matagal na yun, Chona. Matatanda na kami. May kanya-kanya na kaming pamilya. Ako may asawa na na mahal na mahal ko. At gusto ko magkaron ng pamilya kasama siya. Ikaw yun Chona. Ikaw ang mahal ko. At bubuo tayo ng pamilya kasama ang magiging anak natin.” Pareho na silang naluluha. “Si Ben, kaibigan na lang talaga ang turing ko sa kanya. Gayundin ang turing niya sa akin. Kaya wag ka na mangamba. Ha, Chona?” Tumabi si Diego kay Chona at inakbayan siya saka hinalikan ang noo nito. “Kung gusto mo nga, mamayabang gabi ay magsimula na tayong sumubok makabuo ng anak e,” bulong nito sa tenga ng asawa na nagpatawa sa kanilang dalawa. Pabiro naman siyang himapas ng asawa sa braso. “Loko talaga,” nakangiti na ito, “oo na sige na. Pwede ka na makipagkita kay Ben. Pero mamay    ang gabi ah… yung sabi mo. Wag mo kakalimutan.” At nagtawanan muli ang mag-asawa at saka nagpatuloy sa pagkain ng tanghalian.

Alas-syete na ng gabi nang magkita si Diego at Ben sa may tindahan ni Bebeng. Sila lang dalawa ang nandoon. Nanonood lang ng TV si Bebeng sa loob at tila ba walang paki sa kanilang dalawa na nakatambay doon kaya nagpatuloy na sila sa kanilang usapan.

“Ben, alam ko rinding-rindi ka na sakin. Pero ano, wala ka na ba talagang balak itigil yan?”

“Diego, okay na ko sa pagtutulak ng droga. Dahil dun may kinikita ako kahit papano—” May kinuha si Bebeng sa tindahan kaya naman di niya inaasahan na marinig ang kwentuhan ng dalawa. Ngunit ang sinabi lang ni Ben na iyon ang narinig niya. Dali-dali siyang pumasok sa bahay na katabi lang ng kanyang tindahan. Hindi na niya napakinggan pa ang buong usapan ng dalawa at mabilis na may tinawagan na kung sino. Kung sana ay pinakinggan niya muna ang buong usapan ng dalawa.

“—pero napag-isip-isip ko rin na mali na nga. Gusto ko na magbagong buhay. Ayoko na mamuhay ng ganito. Napagdesisyunan kong sumuko na lang sa mga pulis.”

“Gusto mo ba samahan kita?”

Tumango si Ben. “Pero hayaan mo muna akong makasama ang pamilya ko bukas. Kaarawan ni Jenny. Gusto ko sanang makasama muna siya. Tapos sa sunod na araw ay saka tayo pumunta sa presinto.”

Nangiti naman si Diego sa balita ng kaibigan. “Tama yan. Masaya ako sa naging desisyon mo. Alam ko mahirap para sayo pero sigurado naman akong kakayanin mo to.”

“Salamat Diego. Salamat at nandyan ka pa rin.” Naggantihan ng ngisi ang dalawa at patuloy na nag-usap tungkol sa kung anu-ano, hanggang sa hindi nila namalayan na ilang oras na pala ang nakalipas at gumagabi na rin. Nagyaya nang umuwi si Diego dahil may pangako pa siya sa asawa na kailangan niyang tuparin ngayong gabi. Tumayo na silang dalawa at maglalakad na sana papunta sa kani-kanilang mga bahay nang may motor na humarurot papunta sa kanila. Dalawa ang sakay ng motor; ang isa ang nagmamaneho, at ang isa ay angkas lang ngunit may hawak ito sa kamay.

Bang. Unang putok ng baril. Biglang natumba si Diego.

Bang. Sunod na putok ng baril. Natumba na rin si Ben.

Nagsigawan ang mga tao.

Huminto saglit ang motor sa tapat nila. Bang. Muling tinamaan si Ben.

Gumalaw si Diego at gumawa ng mahinang ingay. Buhay pa si Diego!

Bang. Bang. Ayan, siguradong patay na siya.

Nang natiyak ng namaril na wala nang buhay ang dalawang katawan na nakahandusay sa kalsada ay tuluyan nang humarurot paalis ang motor. Maya-maya ay nagtipon na ang mga tao palibot sa dalawang katawang halos maligo na sarili nilang dugo.

 

Suot na ni Chona ang kanyang pinakamagandang kamison habang hinihintay ang pagdating ng asawa. Sabik na sabik na ito sa kanyang pag-uwi. Kaya naman nang may kumatok ay agad niya iyon pinagbuksan. Nawala ang kanyang ngiti nang ibang tao ang bumungad sa kanya. Kapitbahay nila iyon. Natataranta ang kanyang mukha. “Chona, si Diego…” Kinutuban na si Chona. Dali-dali siyang nagsuot ng jacket at lumabas upang puntahan ang asawang si Diego. Pagdadasal na lamang sa isip ang nagawa ni Chona habang papunta sa kung nasaan man ngayon si Diego.

 

Sa bahay naman ni Ben ay naghihintay rin ang kanyang asawang si Sally at anak na si Jenny. Gumugupit ng papel si Jenny para sa isang proyekto habang nanonood naman ng TV ang nanay niya nang biglang magupit niya ang kanyang daliri. “Aray!”

Agad naman siyang tinugunan ng nanay at naghanap ng alcohol at band-aid. “Ma, bakit hindi pa umuuwi si Papa?” Biglang tanong niya. “Di kaya pumunta na siya sa mga pulis?”

“Pulis? Ba’t naman pupunta sa mga pulis ang Papa mo?”

Naupo sa tabi ni Jenny si Sally at ginamot ang sugat niya. “Kanina po kasi bago umalis si papa nabanggit niya na gusto niya na po magbagong buhay. Susuko na daw po siya. Pero sa makalawa pa naman daw po ang sabi niya sakin. Kasi raw po ay gusto niyang nandito siya para sa ika-walong kaarawan ko bukas.” Bata pa lang si Jenny ngunit mawalak na ag pag-iisip nito. Naiintindihan na niya

“Ganun ba? Di niya nabanggit sakin yan ah. Di bale, kakausapin ko siya mamaya pag-uwi niya. Wag ka mag-alala, pauwi na siguro yun.”

Maya-maya ay mayroon na ring kumatok sa pintuan nila. Agad binalita ng kapitbahay ang nangyari. Dali-dali naman silang lumabas ng bahay para puntahan ang kinaroroonan ngayon ni Ben.

 

Mula sa malayo ay kita na ni Chona ang palibot ng mga tao. “Hindi. Wala si Diego diyan. Wala.” Paulit-ulit na bulong niya sa kanyang sarili. Nagbabadya na ang mga luha sa kanyang mga mata. Nang makalapit na siya ay nakita niyang nakahandusay na nga ang katawan ng kanyang asawa na katabi ni Ben na wala na ring buhay.

Ilang malulutong na mura ang kanyang sinigaw sa mga taong nandoon. “Anong tinutunganga niyo diyan? Tumawag na kayo ng ambulansya!” Lumuhod siya tabi ng asawa at kinulong ang katawan nito sa kanyang mga braso nito. Walang tigil ang kanyang mga luha.

“Diego, naman. Di ka pa mamatay!” Isa pang mura ang kanyang pinakawalan. “Magkakaanak pa tayo diba? Bubuo pa tayo ng pamilya. Gumising ka, Diego! Parang awa mo na.” Iiling-iling na lamang ang mga tao doon. Naaawa sila. Tila yata nakalimutan na rin nilang isa rin sila sa mga gumusto nito. Mga hipokrito.

“Diego, bumangon ka. Paano na yung pamilyang bubuuin natin? Diego…” Ngunit wala na si Diego. Hindi na maibabalik ang inosenteng buhay na nawala.

 

Hindi pa man nakakalapit sina Sally at Jenny ay rinig na rinig na nila ang mga usap-usapan ng mga taong nandoon maging ang hagulgol ni Chona na paulit-ulit na sinisigaw ang pangalan ng asawa.

“Pero sino kaya ang namaril, ano?”

“Baka mga pulis.”

“O di kaya yung boss na nila ang nagpapatay sa kanila.”

“Hala, nakakaawa naman.”

“Nakakatakot!”

Inaasahan na ng mag-ina kung ano ang makikita nila ngunit nang makita na nila mismo ang dalawang walang buhay na katawan na nakahandusay sa kalsada ay nabigla pa rin sila. Nanginginig sa iyak at hinagpis si Sally na lumapit sa kanyang asawa. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang humagulgol. Wala na ang asawa niya. Hindi na mababalik ang buhay ng asawang gusto na sanang magbagong buhay.

Sino ang pumatay sa kanila?                                                                         

Totoo nga kaya ang mga usap-usapan na naririnig ko dito?

Bakit pinatay pa rin nila si Ben, e, gusto naman na niya magbagong buhay?

Bakit pinatay rin nila si Diego? Inosente naman si Diego ah.

Bakit nila binabawi ang buhay na hindi naman sila ang nagbigay?

Hustisya.

Nasaan ang hustisya?

Si Jenny naman ay naestatwa na lang sa kinatatyuan niya habang nakatingin sa kanyang walang buhay na papa at Tito Diego. Patuloy lamang ang pag-agos ng kanyang luha. Marami siyang gustong sabihin ngunit walang lumabas na boses sa kanyang bibig. Hindi siya makapagsalita. Tila ba ito’y paniginip lamang. O kaya’y eksena sa teleserye.

Papa, bakit nandiyan kayo ni Tito Diego?

Papa, diba uuwi ka pa?

Kaarawan ko na po bukas. Kahit wala nang regalo. Gumising lang kayo diyan.

Papa…

 

Samantala, si Bebeng ay nasa malayo lang habang pinagmamasdan ang mga nangyayari. Nakokonsensya siya sa kanyang ginawa. Nararamdaman niyang mali iyon. Ngunit paulit-ulit niya pa ring kinumbinsi ang sarili niya na iyon ang tama. Na ang mga katulad nila ay hindi na dapat mabuhay pa.

Paano kaya kung sa kanya iyon mangyari? Paano kaya kung mangyari iyon sa pamilya niya? Paano kung nagsisimula na ring tumikim ng droga ang kanyang anak doon sa syudad kung saan ang akala niya’y masipag na nag-aaral? Paano kung isang araw ay mahandusay na lang sa kalasada ang walang buhay na kanyang anak habang naliligo sa sariling dugo? Kawawang Bebeng. Hindi malayong maranasan niya rin ang nararanasan ng dalawang pamilyang naghihinagpis ngayon.

 

You Are My Favorite Song

Everyone has their own favorite song. It’s that song that you’d always play on loop despite the hundreds or thousands of songs on your playlist; it’s that song that you’ll listen to whenever you want, whatever your mood for the day may be; it’s that song that you know by heart; it’s that song that you can always sing along to even when half asleep; it’s that song that your heart can easily recognize even when played in the faintest volume.

 

You are my favorite song

Something I want to keep to myself

Something I want to hide from the world

But at the same time,

I want to shout at the top of my lungs

And tell the world about you

About how beautiful you are

About how you make me feel so alive and special every time I listen to you

You are my sweet escape from this chaotic and noisy world

You deserve attention

And more love

But I love you so much—

So much that I’d rather love you alone

Than share you with the world

I am selfish

You are my sweetest little secret

My favorite song

 

But of course, you can’t listen to just one song forever. There will be times when you have to set aside your favorite song because of some of your new found songs. And you know the nature of people, they love novelty. They are always, always fascinated with anything new. You’ll get fond of some new songs and eventually get sick of it after getting tired of hearing the same thing for days or weeks or months—that’s the cycle—you’ll miss your old favorite song once again so you’ll forget everything else on your playlist, listen to it again and play it on loop as if it’s the only song on your playlist. If you ask me, I find that sweet. It really is, isn’t it? It’s sweet that you have that one special song that you’ll always listen to no matter how many songs the world throws at you. You may get distracted every once in a while but still, you know you’ll always go back to your favorite song—you’ll plug in your earphones, close your eyes, increase the volume, play your favorite song on loop, and let everything around you fade away as you let the music take you to something that is close to a paradise—somewhere only you know; somewhere only that song can take you.

 

You are the human version of my favorite song

I’m not listening to you as often as before

For I’ve found a song that I’ve become so fond of lately

But believe me,

I’ll come back to you

And we’ll go back to the paradise we’ve created for us together

I may have gotten tired of you at some point

But I won’t replace you for another song

I’ll still choose you again and again and again

Because you are my favorite song