Just for tonight, be mine again

I can see from your eyes how you hard you try to hide those lies

I can feel it in your chest as we’re skin to skin;

your heart no longer beats the way it used to when I am near you.

It used to pound as if it wants to break your rib cage and get out of your chest

just to meet mine and wrap it with the warmth of yours.

I do not have the same effect on you anymore.

Now your heart is calm,

numb,

cold.

I kissed you anyway

But your lips doesn’t taste like your lips.

I felt a pang in my heart,

a punch in the pit of my stomach.

You kissed another girl before me.

I can tell that with the unusual redness and sweetness of your lips.

It was a sickening kind of sweet for I know

it was from the sweetness of the lips of another girl.

But for now,

perhaps for the last time,

let me keep kissing you.

Even until the morning, I’m more than willing to.

For I don’t know when you’ll come home next time again

or if you’ll come home to my arms  ever again.

 

Advertisements

Pagbabalik-tanaw

Ilang araw na lang babalik na ko sa Pinas. Sa totoo lang ayaw ko pa. O baka ayaw ko na. Di ko na rin alam.

July 8, 2016, 2:20 am

iisqtxpf


Sinulat ko ito ilang araw siguro bago ako umalis ng Qatar para bumalik na ng Pilipinas. Paulit-ulit kong binabalikan ito sa drafts ko. At sa tuwing babasahin ko ito ay napapaisip ako, masaya nga ba talaga akong bumalik ako dito? Isa o dalawang linggo bago ako bumalik ng Pilipinas ay inengganyo ako ni Mommy na doon na lang mag-aral. Sabi ko nga sa kanya na parang imposible naman iyon. Pero sabi niya pwede naman daw. Magagawan naman daw ng paraan. Sa totoo lang, gusto ko. Gustong-gusto ko. Pero natatakot ako. Ewan ko ba, parang hindi pa ako handang makilasalamuha sa iba’t-ibang lahi at tumira sa ibang bansa na higit na iba sa kinalakihan ko. At ang nasa isip ko kasi noon ay hindi ko kayang iwanan ang lola ko pati na ang mga kaibigan ko. Naisip ko rin agad kung saan ako magtatrabaho pagkatapos ko mag-aral ng kolehiyo kung sakaling doon na ako titira. Kailan man ay hindi ko pinangarap na magtrabaho sa ibang bansa. Noon palang ay buo na ang plano kong dito lang ako sa Pilipinas magtatrabaho. At kung papalarin ay sana sa isa sa mga pinakamalalaking istasyon ng telebisyon sa Pilipinas. Akala ko tama na ang desisyon ko.

Ngunit ngayon ay tila ba may pag-aalinlangan ako. Binalikan ko na naman muli ang draft kong ito. At muli, naramdam ko na naman iyon. Ang kaunting pagsisisi. Ang matinding kagustuhan na makasama si Mommy, si Dad at ang baby sister kong si Sophia. Sa isang buwan kasi na nandun ako sa Qatar kasama sila, nakaramdam ako ng tunay na kasiyahan. Iyon bang ramdam mo talaga sa puso mo na magaan ito, na walang pabugso-pabugsong kalungkutan. Noon kasing bata ako ay pangarap kong maranasan ang magkaron ng isang nuclear family. At sa unang pagkakaton ay doon ko naramdaman iyon. Napakasarap pala sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na kahit gigising kang walang dadatnan na mga mga magulang sapagka’t nasa trabaho sila ay mayron kang inaabangan sa hapon—ang kanilang pag-uwi. Gayunpaman, masaya pa rin ako dahil si Sophia ang sumasalubong sakin tuwing umaga. Pagka-kita niya pa lang sakin ay tuwang-tuwa na siya at agad na gagapang papunta sakin. Makikipaglaro lang ako sa kapatid ko hanggang sa magtanghali at dumating si Mommy. Mas nauuna si Mommy umuwi kaysa dad kaya naman madalas ay sa may mini playground sa likod ng living room muna kami nina Mommy at Sophia habang naghihintay sa kanya.

img_6309           img_6147

Nakaka-aliw nga sa tuwing dadating na siya ay tuwang-tuwa si Sophia, at agad na mangungulit naman si Dad kay Mommy. Masarap sa puso makita silang nagkukulitan at naghaharutan na para bang mga teenager. Kitang-kita ko na tunay silang masaya. Kita ko na mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa.

Sa gabi naman—ito ang isa sa mga pinakanamimiss ko—sabay-sabay kaming kakain ng dinner nina Mommy at Dad. Salitan sa pagluluto silang dalawa at parehong masarap ang mga niluluto nila. At kapag matutulog na ay maggu-goodnight na ako kina Mommy at Dad na mayroon pang yakap mula sa kanila. Mapayapa ang tulog ko doon. Wala akong pino-problema o inaalalang kalungkutan. Punong-puno ng kasiyahan ang puso ko. Sa tuwing biyernes naman at sabado ay ang tinatawag nilang “family day”. Parehong day-off iyon nina Mommy at Dad. Paminsan-minsan ay naggu-grocery kami sa Carrefour, pero madalas ay nasa bahay lang kami. Sa hapon ay MTV ang nasa TV. May kanya-kanya kaming ginagawa; ako ay nagla-laptop lang, si Dad ay nanonood ng football, si Mommy ay pinapakain na si Sophia. Simple lang. Pero at peace ang pakiramdam ko. Ang saya ng ganoong buhay. Sa buhong buhay ko, sa isang buwan na namalagi ako doon, ay unang beses naramdaman ang pagiging totoong masaya. Palatawa kasi ako. Masiyahin. Pero sa loob ko, hindi buo ang kasiyahan ko. Doon ko lang naramdaman.

O baka naman ngayon lang itong kalungkutan na nararamdam ko ngayon. Apat na araw kasi kaming walang pasok at mag-isa lang ako dito sa dorm. Baka nababagot lang ako dahil wala akong makausap. Ginusto ko naman ang mapag-isa. Ngunit minsan ay hindi ko maiwasan ang maghanap ng kasama o kaya’y makakausap. Lilipas din ito. Sana nga.

Babawi

Babawi tayo.

Hindi yung “babawi na talaga ako, pramis” na labas sa ilong.

Yung totoong babawi na kasi gusto nang itama ang mga nakagawiang mali.

Babawi tayo.

Nasa kamay natin ang lubid na siyang kakapitan ng ating nahuhulog na Grado.

Kaya pa natin siyang iligtas.

Babawi tayo.

Hihilahin natin ang lubid pataas.

Kahit dahan-dahan lang muna, basta’t alam nating mahigpit pa rin ang kapit niya.

At kapag nasa taas na siya, sisiguraduhin nating hindi na natin siya ihuhulog pa.

Aalagaan natin siya.

Hanggang sa hindi na natin kakailanganing sabihin pa na:

Babawi tayo.

Sapagka’t alam nating sapat na ang lahat para sa kanya.

 

 

Sobrang sabaw. Ilang araw na lang opisyal nang magsisimula ang prelims week. Sana maging maging sapat ang mga pag-aaral na gagawin ko.